Sunday, August 10, 2003

bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan sa singapore

jay and nes


kuha namin ni nes sa jurong bird park kanina. matagal na kaming magkaibigan ni nes. mahigit 32 years na. isa siya sa mga classmates ko since kinder. actually, siya ang pinaka-una kong naging kabarkada kasi pareho ang section namin simula kinder, hanggang grade 6. pagtapos batch mates kami hanggang nagtapos ng high school nung 1983. patuloy pa rin kaming nagkita-kita pagtapos ng graduation at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

isa si nes sa mga hinahangaan kong tao. matalino, masipag at magaling mag basketball. bukod sa matataas na grades, pinuno rin niya ng extra curricular activities ang kanyang high school career: head ng sports commitee ng sudent's advisory board, varsity player, captain ng basketball team at athlete of the year ng batch namin.

si nes ay isang doctor. graduate ng UERM at espesyalista sa internal medicine. malimit siyang dumadalaw sa bahay namin para kamustahin ang mommy ko. nung minsan nagka pneumonia ang mommy ko. tinakbo ko siya sa hospital at si nes ang gumamot sa kanya. di ko pa rin makalimutan hanggan ngayon kung papaano niya inasikaso ang mommy ko. simula admission hanggang sa mga tests, hindi pinabayaan ni nes ang mommy ko. suwerte talaga ako sa mga kaibigan. kahit di kami masyadong mayaman, nagtutulungan kami sa kahit anong paraan.

jet and tess


si tess at jet sa harap ng waterfall ng bird park. si tess ay asawa ni ness. si jet ay asawa ko. naging magkaibigan din sila dahil sa amin. anak ni nes at tess si cheska. siyempre, inaanak ko si cheska. kumpare ko kasi si nes eh. hehehe. si jet ay dating nurse ngayon, isa nang masayang housewife. si tess ay isa ring doctor tulad ni nes. si cheska ay hindi pa nag-aaral kaya di ko alam kung gusto niya rin maging doctor. si tess ay isang capitan sa AFP at doctor siya sa V Luna (ang military hospital sa quezon city). dati siyang PSG nung presidente si erap kaya marami kaming tsismis tungkol sa pamilya ni joseph estrada. but that is another story.

si nes ay dati ring capitan sa AFP. umalis na siya sa serbisyo. sabi niya sa akin eh "nabuburat na raw siya sa buhay militar" kaya siya umalis. di ko siya masisisi. tingnan mo nga ang mga ulul na opisyal sa maynila - puro pampapoging coup na punong puno ng katangahan lang ang alam sa buhay.

sentosa


narito sina tess at nes sa singapore kasama ang kanilang pinsan na si sheila at ang kanyang asawa. bagong kasal si sheila at parang honeymoon nila ang pagparito. kagabi ay nasa night safari kami. ngayon naman ay tumuloy kami sa bird park nung umaga, nag lunch sa orchard road at dumiretso sa sentosa sa hapon. gabi na kaming umuwi kanina, medyo pagod pero masaya. bihira lang dumalaw ang kaibigan dito sa singapore. mas lalong bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan kung kaya't masaya namin silang sinamahan sa kanilang pamamasyal ngayong weekend.

si jet sa orchard road, b&w kuha ni animal husbandry


ito si jet kanina sa orchard road. ganda niya ano? ngayon alam nyo na kung bakit ko siya kinakantahan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home