Sunday, August 24, 2003

isang kanta para sa mga miyembro ng SMAP (samahan ng mga malalamig ang pasko). sana nawa eh gumanda ang mga lovelife nyo. ito'y rock and roll cover version ng "goodbye to love", isang popular na kanta ng carpenters.

Friday, August 22, 2003

manila bay sunset


sunset sa manila bay with
axl, ate lannie, jet, lucas, darlene

Email X-change between SouthAfricanAustralianChinese and SingaporeBasedPinoySiraUlo...

-----Original Message-----
From: Bat, Jay
Sent: 22 August, 2003 11:55 AM
To: Stormin, Norman
Subject: Your PC

Hey stormin Norman!

I just had a glimpse of your new PC. Not bad! I kinda loved the DVD so I swapped it with my old CD drive. Hope you don't mind.

BatJay

-----Original Message-----
From: Stormin Norman [mailto:norman.stormin@downunder.com]
Sent: Friday, August 22, 2003 10:08 AM
To: 'Bat, Jay'
Subject: RE: Your PC

Hi Matey,

In a strong German/South African accent “ You haf to be kidding me! You jaast cannot be zerious , ZIS is definetly not ze vay to behaf and treat a friend , NO I must say ZIS is totally unacceptable behaviour!” Just kidding matey , you can use it until the AP conference as long as I get it back then understand JA?

Regards,
Stormin'Norman

-----Original Message-----
From: Bat, Jay
Sent: Friday, August 22, 2003 10:15 AM
To: 'norman.stormin@downunder.com'
Subject: RE: Your PC

hehehe.... no, i vas jast pulling yur leg. jerry got it real cheap from dell. more than half price! only problem is that it does not have a space bar.

Wednesday, August 20, 2003

gumamelang violet sa aking hardin

"bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin
ano pa ang buhay niya kundi mo langhapin"


walang ibang sadya, joey ayala

Sunday, August 10, 2003

bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan sa singapore

jay and nes


kuha namin ni nes sa jurong bird park kanina. matagal na kaming magkaibigan ni nes. mahigit 32 years na. isa siya sa mga classmates ko since kinder. actually, siya ang pinaka-una kong naging kabarkada kasi pareho ang section namin simula kinder, hanggang grade 6. pagtapos batch mates kami hanggang nagtapos ng high school nung 1983. patuloy pa rin kaming nagkita-kita pagtapos ng graduation at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

isa si nes sa mga hinahangaan kong tao. matalino, masipag at magaling mag basketball. bukod sa matataas na grades, pinuno rin niya ng extra curricular activities ang kanyang high school career: head ng sports commitee ng sudent's advisory board, varsity player, captain ng basketball team at athlete of the year ng batch namin.

si nes ay isang doctor. graduate ng UERM at espesyalista sa internal medicine. malimit siyang dumadalaw sa bahay namin para kamustahin ang mommy ko. nung minsan nagka pneumonia ang mommy ko. tinakbo ko siya sa hospital at si nes ang gumamot sa kanya. di ko pa rin makalimutan hanggan ngayon kung papaano niya inasikaso ang mommy ko. simula admission hanggang sa mga tests, hindi pinabayaan ni nes ang mommy ko. suwerte talaga ako sa mga kaibigan. kahit di kami masyadong mayaman, nagtutulungan kami sa kahit anong paraan.

jet and tess


si tess at jet sa harap ng waterfall ng bird park. si tess ay asawa ni ness. si jet ay asawa ko. naging magkaibigan din sila dahil sa amin. anak ni nes at tess si cheska. siyempre, inaanak ko si cheska. kumpare ko kasi si nes eh. hehehe. si jet ay dating nurse ngayon, isa nang masayang housewife. si tess ay isa ring doctor tulad ni nes. si cheska ay hindi pa nag-aaral kaya di ko alam kung gusto niya rin maging doctor. si tess ay isang capitan sa AFP at doctor siya sa V Luna (ang military hospital sa quezon city). dati siyang PSG nung presidente si erap kaya marami kaming tsismis tungkol sa pamilya ni joseph estrada. but that is another story.

si nes ay dati ring capitan sa AFP. umalis na siya sa serbisyo. sabi niya sa akin eh "nabuburat na raw siya sa buhay militar" kaya siya umalis. di ko siya masisisi. tingnan mo nga ang mga ulul na opisyal sa maynila - puro pampapoging coup na punong puno ng katangahan lang ang alam sa buhay.

sentosa


narito sina tess at nes sa singapore kasama ang kanilang pinsan na si sheila at ang kanyang asawa. bagong kasal si sheila at parang honeymoon nila ang pagparito. kagabi ay nasa night safari kami. ngayon naman ay tumuloy kami sa bird park nung umaga, nag lunch sa orchard road at dumiretso sa sentosa sa hapon. gabi na kaming umuwi kanina, medyo pagod pero masaya. bihira lang dumalaw ang kaibigan dito sa singapore. mas lalong bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan kung kaya't masaya namin silang sinamahan sa kanilang pamamasyal ngayong weekend.

si jet sa orchard road, b&w kuha ni animal husbandry


ito si jet kanina sa orchard road. ganda niya ano? ngayon alam nyo na kung bakit ko siya kinakantahan.

Wednesday, August 06, 2003

ito ang dahilan kung bakit ako nagsusulat sa tagalog

Friday, August 01, 2003

kung sino man ang nagsulat nito, saludo ako sa pang-aalaska mo kaibigan...

Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,

Magandang umaga. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade. Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.

Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno. Mabuhay ka. Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes. Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa gobyerno.

Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine 'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno.

Mala-THE ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband? Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo. Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may sentimental value pa. Bebenta kayo, promise.

Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba? Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit? Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.

Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o kaya puro supot.

Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?

Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings, at kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like tanga naman..."

Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die for our principles." Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang
iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin, may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.

Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o strategic meaning ang Oakwood.

Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano? Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo. Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, yayakapan na lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy. Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.

'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli. Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung katulad kahapon.


Nagmamahal,
Ang iyong tagahanga