Wednesday, September 03, 2003

Here's some nakakatawang sagot ng mga kontestant sa Philippine version ng
Weakest Link hosted by Edu Manzano:

EDU: Anong uring hayop ang lion?
CONTESTANT: (syempre, nag-isip pa) Ah, reptile!

EDU: ano sa Spanish ang hello?
CONTESTANT: uhhh...... ADIOS!!!

EDU: anong tawag sa manok na nangingitlog?
CONTESTANT: HIN!
EDU: correct!

EDU: Sino ang american president na nagkapolyo noong 1920's?
Encoder: Apolinario Mabini

Q: Anong uri ng hayop si King Kong?
A: Pagong!
Q: Sa'n mo nakuha yan?
A: Sa Batibot po... si King Kong Pagong?!!

EDU: Yes or no -- ang salad dressing ba ay damit?
CONTESTANT: (slight pause) YES!

EDU: Sino ang unang Pilipinong namatay sa lethal injection?
CONTESTANT: (after a millisecond) si Echee-vehry!
Parang pinatay nya ulit si Echegaray.

EDU: ilan ang f sa phosphorus???
CONTESTANT: uhm. . . 3!!!

EDU: ilang araw ang misa de gallo?
CONTESTANT: 16!

EDU: ano ang mas malaki? itlog ng pugo o sanggol ng tao?
CONTESTANT: itlog ng pugo!
EDU: saan ba ang probinsya mo?
CONTESTANT: wala po..sa manila lang
EDU: san ka ba nakakita ng itlog ng pugo na mas malaki sa sanggol ng tao?
CONTESTANT: akala ko po kasi ser sabi nyo eh itlog ng tao!
(and this guy actually won!)
Sagot pa ni Edoods: Ang laki naman atang itlog ng pugo yon!

EDU: Ilang unggoy meron sa grupong "The Monkees"
CONTESTANT: Lima!
EDU: Wala!

EDU: Ilan ang legs ng cartoon character na si Spiderman?
DENNIS: Eight!

Sa pelikulang Johnny Mnemonic, anong titik nag uumpisa ang Mnemonic?
Answer: P

EDU: Anong uri ng halaman ang tumitiklop kapag ito'y
nahawakan?
CONTESTANT: Hiya-hiya!

EDU: ano ang ginagamit ng mga swimmers para bumilis ang kanilang paglangoy?
CONTESTANT: fast shoes

EDU: saan nilalagay ang pacemaker?
CONTESTANT: sa face?!

EDU: Kung si superman ay may Lois Lane, ano naman ang kay Robinhood?
CONTESTANT: Pana!!

EDU: Sino ang vocalist ng Side A?
CONTESTANT: (nasa dulo na ng dila ko eh) Jo..Jograd!
bwahahahaha

anong S ang inuupuan pag naka-sakay sa kabayo???
answer: SILYA!!! hehe!

EDU: Ano ang karaniwang hugis ng manibela?
CONTESTANT: Triangular?

EDU: saang continent matatagpuan ang Indonesia?
CONTESTANT: ahh... JAVA!!!

EDU: sa PC o sa paglalaro ano ang tawag kapag ikaw ay natalo o tapos na ang
laro?
CONTESTANT: Finished?
EDU: Ikaw ba ay naglalaro ng games?
CONTESTANT: Hindi..
EDU: Ingat ka lng at baka sa dulo ikaw ang ma- GAME OVER

EDU: kelan ang pasko sa DAVAO?
CONTESTANT: PASS!!!!
EDU: kung si tweety ay ibon, anong hayop si TAZ?
CONTESTANT: UNGGOY!!!!
EDU: ano ang mas nauna sumikat, celfone o pager?
CONTESTANT: RADIO!!!!

EDU: Ang Void ba ay Invalid o Valid
GOGO: Valid

November 12 edition of The Weakest Link
EDU: Ilan ang letrang A sa salitang Philippines?
CONTESTANT: Um, um...isa!

EDU: Ang ibig sabihin ba ng LSD ay Lason Sa Daga?
Allen: Um...oo!
EDU: Ah, so kaya pala nalulong sina Jimi Hendrix noong araw ay dahil sa
lason sa daga?

EDU:Ang iyong tv radio at computer ba ay may thermostat?
CONTESTANT:isip....meron...
comment ni EDU: So pag nagooverheat ang tv mo bigla na lang nagshuhutdown?
CONTESTANT: akala ko nasama mo yung aircon...
EDU: so kasalanan ko pa ngayon?!

EDU: what is the capital of Romania ?
CONTESTANT: (nagisip) Romania City

EDU : ano ang tawag sa mga needle-like projections na nakasabit sa roof ng
mga caves?
CONTESTANT : (nagmamadali pa) uh, ice pick ?

EDU: Nano, fill in the blank: Bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto't
____________
Nano: SILANGAN! (sabay tingin sa camera with this very funny face)

EDU: Ano sa tagalog ang "No Loitering?"
CONTESTANT: Bawal Magkalat!

EDU: Sino and tauhan sa barko na tinatawag na skipper?
CONTESTANT: POPEYE!

EDU: Paano i-describe ang mga ulo ni Yul Brynner at Telly Savalas?
CONTESTANT: .......................Patusok?

EDU: ano ang kulay ng orange juice kapag nilagay sa blue na baso?
CONTESTANT: ...violet

EDU: Saan natatatakot ang taong may PHOTOPHOBIA?
CONTESTANT: sa mga LITRATO

EDU: Ano ang tawag sa plastik na lalagyan ng basura?
CONTESTANT: Plastik Bag na nilalagyan ng basura?

EDU: anong nilalagay sa pinto kapartner ng susi?
CONTESTANT: doorknob!

EDU: Ilang parte meron ang three-fold?
Caloy: *isip pa ng matagal* uhm.. FOUR!

EDU: Ilang roses ang binibigay sa isang debutant?
Caloy pa rin: Tatlo! (ano yon I love you?!?)

EDU: Sino nagsulat ng Bridges of Madison County?
CONTESTANT: uh.. Clint Eastwood...

EDU: Anong hayop ang di nakakakita sa araw ngunit nakakakita sa dilim?
Ans: (isip konti) then answered... FLASHLIGHT!

EDU: ano ang tawag sa laro kung saan ang 2 teams ay naghihilahan sa isang
lubid?
CONTESTANT (listening attentively, ang walang aling na sagot ay...):
tumbang-preso

EDU: ang urine ay liquid. true or false?
KIKO: false
EDU: anong "c" ang paboritong kainin ng mga rabbit?
KIKO: sea ("c") cacamber

EDU: ano ang system of math na gumagamit ng symbols instead of numbers?
CONTESTANT: umm...China?

EDU: Ano yung maliliit na butil na niluluto sa sinaing
TZARI: Salt/Asin

EDU: Anong tawag sa taong walang suot sa paa?
CONTESTANT: SLIPPERLESS!

EDU: Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga 'poisonous substances'?
CONTESTANT: Uh...poisonology?

EDU: ang rooster ba mangingitlog, TRUE OR FALSE
CONTESTANT: TRUE

EDU: ano ang shape ng bola ng basketball?
CONTESTANT: OBLONG????

EDU:anong ginawa ni moses sa red sea?
CONTESTANT: Stop!

EDU: kung ang bulag ay blind , ano naman ang english ng pipi?
CONTESTANT: walang salita!

EDU: anong sea creature and kalahating kabayo at kalahating isda?
CONTESTANT: syokoy!!!!

EDU: Ano ang tawag sa kaisa-isang babaeng miyembro ng "The Smurfs"
CONTESTANT: Gumby!

EDU: anong klaseng sasakyan ang inaayos sa hangar?
fat guy who's into advertising but took up veterinary: uhmm. . . sirang
sasakyan????
EDU: ano ang trabaho ni Jim carrey sa Ace Ventura?
fat guy ulet (with great conviction): VETERINARIAN!!!!

EDU: Ano ang tawag sa isang lugar sa disyerto na may mga halaman at lilim
(or something like that)?
Rico: Blessed place?
EDU: Kung ang shipboat ay isang boat, ano ang u-boat?
Rico: boat!

EDU: anong nilalagay sa inflatable tire?
CONTESTANT: (thinks for a while) pera!

EDU: Ano ang nilalagay sa sewing machine?
CONTESTANT: Lagari? (Akala yata nito may sawing machine eh)

EDU: Ano ang nationality ni Sigmund Freud? Austrian o Danish?
Mil: U.S.?
EDU: Saang state matatagpuan ang Golden Gate Bridge sa San Francisco?
Allan: U.S.?

EDU: Ano ang tawag sa laman sa loob ng buto, marrow o muscle?
CONTESTANT: KARNE!!!
EDU: Saan matatagpuan ang Quebec?
CONTESTANT: Afghanistan! (nasobrahan ata ito sa kakapanood ng CNN)
EDU: Ilang taon meron sa isang leap year?
CONTESTANT: 365! (ang dami naman!)
EDU: Anong sinusuot ng mga boksingero sa ulo nila para sa proteksyon?
CONTESTANT: Sumbrero
EDU: Sa lithography, ano ang sinusulat mo?
CONTESTANT: Literature?

EDU: kung ang isang piraso ng chico ay 5 pesos , magkano ito lahat kung 25
pcs.?
CONTESTANT: 250 pesos

EDU: ilan ang sides ng octagon?
CONTESTANT: seven!

EDU: Ano ang Kulay ni Incredible Hulk?
CONTESTANT: BLACK!
TAONG GRASA BA SI INCREDIBLE HULK!..

EDU: ilang metro mayroon sa 300 meters
ruth: 3000?
anakanangtetorts..

EDU: ang B.O.I. ay parte ng Department of Trade and Industry. Ano ang ibig
sabihin nito?
DODONG: Department of Tourism and Industry

EDU: anong "Q" ang dating kapital ng Pilipinas?
CONTESTANT: Manila!
sinabi nang "Q" eh!!!

EDU: Saang story ung "Mirror mirror in the wall" ?
CONTESTANT (Abdul) : Uhmmm....... Cinderella.

EDU: Anong laro ang may freethrow?
CONTESTANT (Jessa): Volleyball

Si Albert
EDU: anong sasakyan ang gamit sa "tour de France?"
albert: (ang sagot na naman nya eh) kalesa
EDU: anong klaseng animal ang afghan hound?
albert: afghanistan
(joskopo!)
EDU: ano ang tawag sa mga animal na mga kumakain ng insects
albert: amphibian
Important note: kung meron sa inyong me kilala ke albert, LAYUAN NINYO
SIYAAA!!!

EDU: Ano ang primary ingredient sa paggawa ng cheese?
CONTESTANT: CHEESE!

EDU: Sino ang patriarch (or something to that effect) sa Addams Family?
CONTESTANT: um... si Adam?

Q: Sinong "B.S." ang isa sa sumulat ng kantang "Evergreen"?
A: Bruce Springsteen!

EDU: Tinuturo ang G-clef sa anong "M" na subject?
CONTESTANT: Mathematics!!!
EDU (and the rest of us): Akala ko ba magaling ka sa music?!...
CONTESTANT: (Tagalog ang tanong, English ang sagot niya) I don't know, it
was the first thing that came out of my mouth, that's why I spoke it out
immediately!

EDU: Ano sa English ang maliit na baka?
CONTESTANT: COWLET!
Albert din yata yung name niya eh...

EDU: Ano ang communication device sa loob ng telephone booth?
Edgar: Microphone
EDU: Ano ang itlog na ayon sa iba, nakakapatigas ng tuhod?
Edgar: Tama!
He gave out both these answers in the same round and at the end of the
round, guess who was the weakest link?

SI DAVID?
DOODS: Ano ang karaniwang ginagamit na pagkain na kasabay ng Kare-kare?
DAVID: dried fish
DOODS: 8 times 9?
DAVID: 71 (accountant yan!!)
DOODS: David, ano ang tawag sa device na pinangsisipsip mo ng tubig?
DAVID: (thinks long and hard) aahhh... HOSE?
DOODS:ano ang pangalan ni Padre Zamora, na kabilang sa mga paring GOMBURZA?
DAVID: (thinks hard)....GOMA!
DOODS: Saang lenguahe nagmula ang salitang 'faux pas"?
DAVID: Chinese!

EDU: san matatagpuan ang glorietta?
CONTESTANT: mandaluyong! (mukhang kakalabas lang niya...yehey!!!)

EDU: Anong zip ang ginagamit sa pagbukas ng pantalon?
CONTESTANT: pagbukas ng bag

Q: Sa anong letter nagtatapos ang salitang "naive"?
A: H?

EDU : Anong D ang first word sa first stanza ng Jingle Bells
(answer should be Dashing)
CONTESTANT : Dyingel?

EDU: Kung ang tagalog ng Who ay "sino", ano naman ang tagalog ng Why?
CONTESTANT: Uhm....Electricity? (ang labo!!!)

EDU: Ano ang ibig sabihin ng...ERSTWHILE?
CONTESTANT: (with confidence and agitation)... NASA EARTH!!!

q: anong H ang tawag sa taong nag-iisa....
a: HOME ALONE....

EDU: sinong lalaking artista ang bida sa A Walk in the Clouds
CONTESTANT: niƱo muhlach

EDU: Ano ang tawag sa bala ng gluegun?
CONTESTANT: (confident na confident) BULLET!

Sa Head to Head
EDU: Anong kanta ni Christopher Cross ang nanalo as Best Song of the Year
noong 1972 (? not so sure that this was how the question was phrased)
Chris: Uh... Sailboat?

EDU: Complete the phrase: Share a seat, win a blank (medyo nabingi yung
CONTESTANT so she asked EDU to repeat the question ..) After EDU repeated
the question, di pa din niya ma-gets. Finally, she answered ...... OLD
LADY!!!

EDU: ano kulay ng strawberry?
johnny: ube!

Q: anong klase ng damo ang ginagamit sa pantuhog ng lechon baboy?
A: APPLE!!!

MGA HIRIT-EDU
Kaninong telepono ang cannot b reached? kaninong pre-paid card ang paubos
na?"
Kaninong magulang ang gusto ng patayin ang TV? Kaninong mga kapatid ang
gusto ng mag iba ng apelyido? kaninong aso ang gusto ng maglayas?"
Sino sa inyo ang gagapang sa lusak?
Sino sa inyo ang pasan ang buong daigdig?
Sino sa inyo ang hindi sisikat at mananatili na lang "dakilang ekstra"?
Sino si Tonto ng the Lone Ranger?
Sino ang tinimbang ngunit kulang?
Sino ang madalas sa principal's office?
Kanino sa inyo hindi common ang common sense?
Sino ang pupulutin sa kangkungan pagkatapos ng show?
Sinong pumunta sa parlor para magpagupit pero kinulot?"
Sino ang umorder ng cheeseburger na walang cheese?"
Sino dito...ang dapat ipatuklaw...sa mga ahas ni zuma?
Sino dito... dapat ipa-piga...kay captain barbel...
Sino sa inyo...ang dapat lunurin...ni DYESEBEL...
Sino dito ang bumili ng sardinas.. pero ang lata, sarsa lang ang laman,
walang sardinas?
Sino ang may sandwich na ang palaman ay tinapay?
Sino sa inyo ang may bowling ball na dadalawa lang ang butas?
Sino ang upod na lapis sa inyo na dapat nang daanan ng eraser
Sino dito ang me queso de bola na cuadrado?
Sinong naubusan ng balat ng lechon nung christmas party?
Hindi ko man alam ang ibig sabihin, pero CHUVA CHUVA CHUK CHAK CHIENES ANG
GRUPONG 'TO!
BAHKEEEET?!?! Malaki ba ang mga problema niyo...o talagang insecure kayo sa
tisoy na
gameshow host?!?!?!
Sino sa inyo ang naglasing sa Mompo?

All time favorite:
Kaninong turon ang walang saging?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home